ANG MGA KABATAAN NOON AT NGAYON
━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━
Ang bawat isa sa atin ay may iba't
ibang katanungan na bumabalakid sa ating isipan tungkol sa kabataan noon at
ngayon. Sabi nga ni Jose Rizal "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan",
ngunit ano na nga ba ang nangyayari sa mga kabataan ngayon? Bakit unti-unti ng
nawawala ang mga gawain ng mga kabataan noon? Ang kabataan ngayon ay sila pa
rin ba ang pag-asa ng ating bayan o sila na lang ang siyang nagbibigay ng
problema sa ating bayan?
Sa mabilis na pagtakbo ng panahon,
mabilis din nagbabago ang pagtakbo ng panahon. Ngunit sa mabilis na paglago ng
ekonomiya at ang pag- unlad ng kaalaman ng isang tao, mabilis ding nabago nito
ang ikot ng mundo. Tila baga biglang napalitan ang mabubuti ng masasama. Ang
dati ay nagbago at dahil marahil sa pagbabago ng estilo ng pagpapalaki ng mga
magulang sa makabagong henerasiyon. Ngunit, hindi naman sa lahat ng
pagkakataon, sa magulang dapat ang maging sisi, kundi sa mga kabataan din
mismo. Kakaiba na ang mga tao sa paligid ngayon. Hindi na alam ng mga magulang
kung ano at sino ang iyong mga sinasamahan o kung anong klase ng mga tao ang
naging kasama ng kanilang mga anak. Kaya lingid man sa kanilang kaalaman ang
unti-unting pagbabago sa iyong pag-uugali, wala naman silang direktang paraan
upang masolusyunan ito. Isa sa mga dahilan kung bakit nagbabago ang isang
kabataan ay dahil sa makabagong teknolohiya at makabagong paggamit ng mga
bagay-bagay
Ang kabataan
noon at ngayon ay may malaking pagbabago at pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali,
pananamit, damdamin at iba pang bagay. Sinasabing ang mga kabataan noon ay
higit na magalang, masunurin dahil sa isang tingin lang ng magulang sa kanilang
anak tumatahimik na o kaya'y sumusunod na agad. Ang mga kabataan noon ay
lubhang taimtim sa puso’t isipan nila ang kanilang ginagawa, may respito sa
kapwa, mga walang bisyo at maka-Diyos; sa kabilang dako, ang kabataan ngayon ay
di na gaanong nagbibigay galang at pinipilit ang sarili na maki-uso at magbago.
Pagdating sa pananamit, lalong masinop sa pag-aayos ng katawan at lubhang
matapat sa pagsunod sa batas ang mga kabataan noon, kaya wika nga, ang kabataan
noon ay may disiplina sa sarili habang ngayon ay di na gaanong napapansin o
sinusunod ang mga magagandang bagay o asal.
Noong unang
panahon ang mga kabataan ay palaging nasa tahanan lalo na ang kababaihan. Sila
ay tumutulong sa kanilang mga magulang sa gawaing bahay. Sa panahon noon ay mas
makapag-aaral pa sila ng mabuti dahil noon wala pa ang tinatawag nilang
Internet o di kaya ay T.V. at Cellphone at iba pa. Hiindi pa sila bubulakbol o
sumasama sa kanilang mga barkada kung wala ang pahintulot ng kanilang mga
magulang. Kung sila'y sumasama sinisigurado ng mga magulang na nasa tapat ng
bahay lamang ang mga ito at nagsasayahan habang naglalaro kasama ang mga
kaibigan. Samantalang ngayon, hindi sila natatakot sa kahit na sino. Sa
madaling salita matigasin na talaga ang kanilang mga ulo. Kahit hindi
pinapayagan ng magulang na sumama sa kanilang mga kaibigan, hindi talaga nila
ito sinusunod kaya minsan ang kadalasang nangyari ay marami ang nabuntis na mga
dalagang binata at marami din ang nalulong sa masamang bisyo. Hindi lamang ang
mga magulang ang may pagkukulang sapagkat ang mga kabataan na sinusunod ang
kanilang gusto na walang pakikipag-ugnayan sa magulang. At nag lalaro narin
sila ng online games o sa tinatawag nilang internet. At minsan hindi na sila
pumapasok sa skwela para mag-aral imbis na mag-aral sila ay nagtatambay na sila
kahit saan. Kadalasan sa kanila hindi na pumapasok ng dahil sa kawilihan sa
teknolohiya.
Ang mga kabataan
ngayon ay mulat sila sa makabagong panahon kaya higit na maunlad sa
pangangatwiran na kung minsan ay sumasagot na sa magulang. Hindi na gaanong
sumusunod sa utos dahil ang laging sagot ngayon ay "mamaya na" o
"saglit lang". Lubhang mapangahas sa mga gawin dahil mas binibigyan
nila ng halaga ang mga bagay na may masamang dulot. Marami rin ang magkasimbait
at magkasinsipag sa mga kabataan noon at ngayon.
Pagdating naman
sa pananamit ng mga babae noon at ngayon. Noon, ang pananamit ng mga babae ay
halos mata na lang ang maaring makikita o di naman kaya'y ulo at liig, ngunit
ngayon ay madaming pagbabago ang naganap. Kung makikita mo ay halos maghuhubad
na sa kanilang mga pananamit na kita na ang kanilang kaluluwa. Kadalasan sa mga
sumusuot nito ay inilagay sa Facebook upang may maraming makakita at maging
sanhi ng kabastosan.
Kung napapansin
natin na ang liham na isinusulat sa isang papel na naging gamit noon upang
ipahayag ang isang damdamin o meron kang nais mabigyan ng isang mensahe ay
hindi na naging uso ngayon dahil kadalasang ginagamit sa mga kabataan para sa
pagpapahayag sa kanilang damdamin ay sa pamamagitan nga social media gaya na
lamang ng Facbook, Twitter, Instagram at iba pa. Ginagamit na ng mga kabataan
ngayon ang social media sa panliligaw sa isang babae habang noon ay
pinupuntahan ng isang lalaki ang isang babae upang makapag-alay ng kanta na
nangangahulugan ng pagmamahal.
Ngunit gayon
paman ay ang kabataan noon at ngayon ay pag-asa ng bayan natin. Kapwa sila makabayan,
mapagmahal, matulungin sa mga mithiin a buhay. Ang pagkakaiba ay ayon sa lakad
ng panahon. Basta't ating pagkakatandaan na iwasan nating magbag-o para lamang
maki-uso sa isang bagay. Ang paggamit ng teknolohiya o ang makabagong
pangyayari ay dapat may disiplina pa arin tayo sa ating sarili, kabataan man o
hindi. Mas maganda parin ang mga gawain noon kesa ngayon. Wag nating
kakalimutan kung saan tayo nagsimula at saan tayo nanggaling. Wag nating hayaan
na basta-basta na lamang itong mawawala at magbabago. Dahil ito ang
nagpapaalala nating mga Pilipino kung gaano ka saya at kaganda ng ating
kasaysayan, tradisyon at kultura.