ANG MGA KABATAAN NOON AT NGAYON
━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━
Ang bawat isa sa atin ay may iba't
ibang katanungan na bumabalakid sa ating isipan tungkol sa kabataan noon at
ngayon. Sabi nga ni Jose Rizal "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan",
ngunit ano na nga ba ang nangyayari sa mga kabataan ngayon? Bakit unti-unti ng
nawawala ang mga gawain ng mga kabataan noon? Ang kabataan ngayon ay sila pa
rin ba ang pag-asa ng ating bayan o sila na lang ang siyang nagbibigay ng
problema sa ating bayan?
Sa mabilis na pagtakbo ng panahon,
mabilis din nagbabago ang pagtakbo ng panahon. Ngunit sa mabilis na paglago ng
ekonomiya at ang pag- unlad ng kaalaman ng isang tao, mabilis ding nabago nito
ang ikot ng mundo. Tila baga biglang napalitan ang mabubuti ng masasama. Ang
dati ay nagbago at dahil marahil sa pagbabago ng estilo ng pagpapalaki ng mga
magulang sa makabagong henerasiyon. Ngunit, hindi naman sa lahat ng
pagkakataon, sa magulang dapat ang maging sisi, kundi sa mga kabataan din
mismo. Kakaiba na ang mga tao sa paligid ngayon. Hindi na alam ng mga magulang
kung ano at sino ang iyong mga sinasamahan o kung anong klase ng mga tao ang
naging kasama ng kanilang mga anak. Kaya lingid man sa kanilang kaalaman ang
unti-unting pagbabago sa iyong pag-uugali, wala naman silang direktang paraan
upang masolusyunan ito. Isa sa mga dahilan kung bakit nagbabago ang isang
kabataan ay dahil sa makabagong teknolohiya at makabagong paggamit ng mga
bagay-bagay
Ang kabataan
noon at ngayon ay may malaking pagbabago at pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali,
pananamit, damdamin at iba pang bagay. Sinasabing ang mga kabataan noon ay
higit na magalang, masunurin dahil sa isang tingin lang ng magulang sa kanilang
anak tumatahimik na o kaya'y sumusunod na agad. Ang mga kabataan noon ay
lubhang taimtim sa puso’t isipan nila ang kanilang ginagawa, may respito sa
kapwa, mga walang bisyo at maka-Diyos; sa kabilang dako, ang kabataan ngayon ay
di na gaanong nagbibigay galang at pinipilit ang sarili na maki-uso at magbago.
Pagdating sa pananamit, lalong masinop sa pag-aayos ng katawan at lubhang
matapat sa pagsunod sa batas ang mga kabataan noon, kaya wika nga, ang kabataan
noon ay may disiplina sa sarili habang ngayon ay di na gaanong napapansin o
sinusunod ang mga magagandang bagay o asal.


Pagdating naman
sa pananamit ng mga babae noon at ngayon. Noon, ang pananamit ng mga babae ay
halos mata na lang ang maaring makikita o di naman kaya'y ulo at liig, ngunit
ngayon ay madaming pagbabago ang naganap. Kung makikita mo ay halos maghuhubad
na sa kanilang mga pananamit na kita na ang kanilang kaluluwa. Kadalasan sa mga
sumusuot nito ay inilagay sa Facebook upang may maraming makakita at maging
sanhi ng kabastosan.

Ngunit gayon
paman ay ang kabataan noon at ngayon ay pag-asa ng bayan natin. Kapwa sila makabayan,
mapagmahal, matulungin sa mga mithiin a buhay. Ang pagkakaiba ay ayon sa lakad
ng panahon. Basta't ating pagkakatandaan na iwasan nating magbag-o para lamang
maki-uso sa isang bagay. Ang paggamit ng teknolohiya o ang makabagong
pangyayari ay dapat may disiplina pa arin tayo sa ating sarili, kabataan man o
hindi. Mas maganda parin ang mga gawain noon kesa ngayon. Wag nating
kakalimutan kung saan tayo nagsimula at saan tayo nanggaling. Wag nating hayaan
na basta-basta na lamang itong mawawala at magbabago. Dahil ito ang
nagpapaalala nating mga Pilipino kung gaano ka saya at kaganda ng ating
kasaysayan, tradisyon at kultura.
thanks:>>
ReplyDeleteTotoong ganoon na ang kabataan ngayon kaysa noon
ReplyDeleteHindi kasalanan ng mga kababaihan na nagsusuot ng damit na halos kita na ang ang kanilang kaluluwa kung bakit sila nababastos
ReplyDeletehuh?>
DeleteMay mga kabataan na kulang sa kaalaman sa mga bagay na ginagawa nila na minsan 'di nila namamalayan na iyon ay mali. Kaya instead na babaan ng tingin ang mga kabataan ngayon bakit hindi nalang natin turuan sila kung ano ang tama at mali at gabayan natin sila kung paano maging pagasa ng bayan.
ReplyDeleteKung obserbahan ang mga kabataan ngayon ay mas vocal sa pag express ng kanilang opinyon, pananaw, at pakiramdam sa paggamit ng mga social media tungkol sa mga issue sa gobyerno, kalikasan at marami pang iba. Masaya akong nakikita na binibigyan nila ng pansin at halaga, at gumagawa ng solution para sa mga issue na meron sa mundo.
ReplyDeletemakapreach kayo sa mga kabataan noon kala mo ala rin silang ginawa na masama o mga walang bisyo
ReplyDeleteKailangan nating bantayan at obserbahan ang mga ginagawang kilos ng ating mga anak upang maiwasan ang pangbabastos sa kanila at kailangan din nating maging strikta o strikto dahil para din naman ito sa kanilang kinabukasan.Hindi din masamang pagbawalan sila o pagalitan sila dahil dinidisiplina lamang naten sila upang maiwasan nang gawin yung mga masasamang gawain nila.
ReplyDeletebakit kailangan pang bantayan at obserbahan ang mga kilos ng anak? bat di nalang turuan ung mga anak nyo kung paano rumespeto at hindi mambastos
DeleteThanks😘
ReplyDeleteDANK MEMES
ReplyDeleteHello po ma'am sir, pwede ko po bang magawan ito ng video?
ReplyDeleteOo
ReplyDeleteTalagang ibang iba nah talaga ang mga kabataan ngayon kesa sa mga kabataan namin noon, dahil noon sumusunod at d namin sinusuway ang utos nang aming mga magulang, kapag ka nag lalaro kami sa labas isang tawag lang samin nag tatakbuhan na kami pauwi nang bahay kasi takot kaming mapalo. Peru ang mga kabataan ngayon kahit dalawang taon na bata marunong nang sumuway sa mga magulang dapat kung anu ang gusto nila ay yun ang masusunod d nah takot ang anak ngayun sa magulang, bumaliktad nah ang mundo, mga magulang nah ang takot sa mga anak ngayun, kapag ka inuutusan mo nag dadabog pah, tsaka kapag pinapagalitan mo nag wawalk out pah, kapag pinalo mo naglalayas nah, nakakatakot ang panahon nang kabataan ngayon kesa noon..
ReplyDelete